I. Pamagat: The Healing
II. Tauhan:
Vilma Santos-bilang si Seth na siyang pangunahing tauhan sa pelikula
Janice de Belen-bilang si Cita na may anak na bulag
Pokwang-bilang si Alma. Kaibigan ni Seth na maysakit din
Martin del Rosario-bilang si Jed na anak ni Seth sa kanyang dating asawa na si Val
Kim Chiu-bilang si Cookie. Siya'y anak ni Val sa kanyang bagong asawa
Robert Arevalo-bilang si Odong na isang biktima ng stroke at ama ni Seth na pinagaling ni Manang Elsa
Daria Ramirez bilang si Manang Elsa na isang faith healer
Mark Gil- bilang si Val na dating asawa ni Seth
Carmi Martin- bilang si Bles na bagong asawa ni Val at nanay no cookie
Jhong Hilario- bilang si Dario na binuhay ni Manang Elsa
Ynez Veneracion- bilang si Greta na may bukol sa suso
Allan Paule- bilang si Ruben na asawa ni Greta
Cris Villanueva- bilang si Ding na isang pulis
Ces Quesada- bilang si Chona na may sakit na goiter
Simon Ibarra- bilang si Rex na asawa ni Chona
Abby Bautista bilang si Kakay na isang batang bulag at anak ni Cita
Joel Torre- bilang si Melchor na kapatid ni Manang Elsa at siyang pumatay sa masamang si Dario
III. Kwento:
Dinala ni Seth ang kanyang amang biktima ng stroke sa isang faith healer na nagngangalang Manang Elsa. Pagkalipas ng isang araw mula nung pinagamot niya ang kanyang ama ay gumaling agad ito. Dahil dito, nagpatulong ang mga kaibigan ni Seth na dalhin niya ang mga ito sa faith healer sapagkat mayroon rin itong mga sakit. Gayundin ang ginawa ng kanyang anak upang maipagamot ang kanyang kapatid na si Cookie. Hindi pa man sila nakakatungtong sa bahay ni Manang Elsa ay pinigilan agad sila ni Melchor sa kadahilanan na may sakit si Manang Elsa pero dahil sa pagpupumilit ni Seth, pumayag din naman itong gamutin ang mga maysakit. Dumating ang araw na isa-isa silang gumaling, ngunit dumating rin ang araw na isa-isa silang namamatay, at kailangang malaman ni Seth kung bakit ito nangyayari at kung paano ito pipigilan.
IV. Banghay ng pangyayari:
Napagdesisyunan ni Seth na dalhin ang kanyang ama sa faith healer dahil ito'y nabiktima ng stroke at baldado. Nang matapos nang gamutin ni Manang Elsa si Odong at paalis na sila, bigla na lamang nagkagulo dahil may isang lalaki raw na nawalan ng malay. Isinawalang bahala ito ni Seth at umalis na nang tuluyan. Pagkabukas ay himalang gumaling ang kanyang ama at masigla pa. Dahil sa balitang ito, nagpatulong ang mga kaibigan ni Seth na may iba't ibang sakit na dalhin sila kay Manang Elsa at magpagamot, pumayag din naman siya. Nagpatulong rin ang kanyang anak na si Val sa kanya na ibigay ang address ni Manang Elsa sapagkat gusto niyang tulungan ang kapatid sa ama na si Cookie na may malubhang sakit. Sa una ay nagdadalawang isip pa si Seth pero kalaunan ay pumayag din naman.
Nang makarating sila sa bahay ni Manang Elsa ay pinigilan sila ni Melchor na magpagamot sa kanyang kapatid dahil mayroon daw itong sakit pero dahil sa pagpipilit ni Seth kay Manang Elsa, pumayag rin naman ito at isa-isa silang ginamot. Isa-isa nga naman silang gumaling ngunit makalipas ng ilang araw ay isa-isa rin naman silang namamatay. Lahat ng mga nagpagamot ng oras na iyon kay Manang Elsa ay pumapatay bago magpakamatay. Napag-alaman ni Seth na may mga doppelganger ang mga ito na siyang sumasanib sa katawan ng biktima at siyang gumagawa ng karahasan. Dahil sa pagkabahala ay pumunta uli si Seth at ang kanyang kaibigan na si Cita sa lugar ni Manang Elsa ngunit pareho silang nagulat dahil pagdating nila ay patay na si Manang Elsa. Ayon kay Melchor, may 'di sinasadyang buhayin si Manang Elsa na patay, 'yun ay si Dario---ang lalaking inakala nilang nahimatay lamang noong simula ng pelikula. Iyon ay labag sa kautusan at lahat ng ginamot ni Manang Elsa matapos ang insidenteng iyon ay iaalay sa demonyo at mamamatay. Ang tanging solusyon lamang para maputol ang sumpa ay ang patayin ang dapat na patay na, si Dario.
Dahil si Cookie na lamang ang natitirang buhay sa grupo ng nagpagamot kay Manang Elsa na mamamatay, siya ng tinutukan nina Seth at ni Val. Binantayan nila nang mabuti si Cookie pagkat kailangan nilang pigilan ang doppelganger nito na saniban siya. Ngunit di nila ito napigilan at hahantong na sana ito sa kamatayan ni Seth, Val, at ni Cookie kung hindi lang nabaril sa oras na iyon ni Melchor si Dario sa kulungan nito. Dahil dito, natapos na ang sumpa at ligtas silang tatlo.
V. Paksa/Tema:
"Anumang aksyon ang ating gawin ay may epekto sa ibang tao lalo na sa mga taong nakapaligid sa atin."
Maging responsable sa mga aksyong gagawin.
Ang paksa ng pelikula ay tungkol sa pagpapagamot ng sakit labas sa kinikilala siyensya ng medisina. Wala namang nagsasabing mali ito, ngunit ang mga tao ay padalos-dalos sa kanilang mga desisyon dala na rin naman sa kagustuhan nilang gumaling, kaya't nakakalimutan nating siyasatin nang maigi ang mga ganitong bagay. Importanteng malaman natin kung saan ba ito nanggagaling, kung sa tama ba o sa mali.
VI. Cinematograpo:
Maayos ang pagkakalapat ng tunog sa pelikula. Dahil nasa kategoryang Suspense Thriller ang pelikulang ito, isa ang tunog sa pinakaimportanteng elemento sa pelikula. Naipasa rin naman nila ito. Pati rin ang lighting at anggulo ng camera ay maayos, nakikita pa rin ang tauhan kahit na madilim kaya't nakikita ang ekspresyon ng mukha ng tauhan kahit na hindi nawawala ang setting na madilim. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay maayos ang lahat, pinupuna ko ang mga kasuotan. Hindi dahil sa hindi angkop ang kanilang mga kasuotan sa pelikula, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit pare-pareha ang kulay suot ng mga tao kadalasan? pati na rin ang kulay ng kurtina, poste, dingding, kulay ng bedsheet, at iba pa ay nakikisabay. Hindi man makatotohanan ang buong istorya ngunit sa aspetong ito ay mas mabuting gawing makatotohanan.
VII. Mensahe:
Kailangan nating maging responsable sa bunga ng ating aksyon, sinasadya man natin o hindi. Hindi naman ibig sabihin na aakuin mo ang lahat ng sama na naidulot nito, ngunit di maipagkakailang may kontribusyon ka dito kung kaya't nararapat lang na ayusin mo ito at akuin ang responsibilidad. Kaya't huwag magpadalos-dalos ng desisyon at kilatisin muna ang mga ganitong bagay, lalo na kung alam mong maraming tao ang madadamay. Hindi pwedeng patay-malisya ka na lamang at isisi sa kanila ang mga bagay na ang magkabilang panig naman ang nagkasundo. Batay sa paksa ng pelikula, kinakailangang siyasatin natin nang mabuti ang mga ganitong bagay. Hindi dapat tayo masyadong mamangha at suungin na lamang nang basta-basta ang walang kasiguraduhang bagay, dahil may rason kung bakit di naniniwala ang karamihan sa mga ganitong bagay. Hindi ibig sabihin na hindi ka dapat maniwala sa mga bagay na ganito ngunit kailangang pinag-aaralan nang mabuti ang iyong tatahakin. Kung malaman mong galing ito sa masama ngunit makakadulot ito nang kabutihan sa mga taong pinahahalagahan mo, tatangkilikin mo pa rin ba ito?